Hoy Gaius, gising! Wala na yung katawan! Ano?! Kagabi bantay tayo, ah! Baka may prank lang yan. Prank? Holy Week ngayon, hindi April Fools! May lindol, may liwanag, tapos boom, nawala! Naku, papagalitan tayo ng centurion! Sabihin natin ninakaw? Sino magnanakaw na may kasamang anghel? E di sabihin nating natulog tayo? Mas lalong delikado! Bawal matulog sa duty! So ano report? Simple: “Sir, secure pa rin po, kami lang ang nawala sa ulirat.” Loko ka! Sige na, tumakbo na tayo. Saan? Kahit saan, basta hindi sa Roma! Pero paano yung sweldo natin? Forget sweldo, buhay muna! At kung tanungin, sabihin nating miracle leave tayo ngayon, approved by langit. Boss please.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Holy Week Mode: ON… Hanggang Sunday Lang?