Hoy Gaius, gising! Wala na yung katawan! Ano?! Kagabi bantay tayo, ah! Baka may prank lang yan. Prank? Holy Week ngayon, hindi April Fools! May lindol, may liwanag, tapos boom, nawala! Naku, papagalitan tayo ng centurion! Sabihin natin ninakaw? Sino magnanakaw na may kasamang anghel? E di sabihin nating natulog tayo? Mas lalong delikado! Bawal matulog sa duty! So ano report? Simple: “Sir, secure pa rin po, kami lang ang nawala sa ulirat.” Loko ka! Sige na, tumakbo na tayo. Saan? Kahit saan, basta hindi sa Roma! Pero paano yung sweldo natin? Forget sweldo, buhay muna! At kung tanungin, sabihin nating miracle leave tayo ngayon, approved by langit. Boss please.
Mga Post
Ipinapakita ang mga post mula sa Abril, 2026
Holy Week Mode: ON… Hanggang Sunday Lang?
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Holy Week na. Biglang tahimik ang timeline—may quotes, may reflections, may “repentance era.” “Magbabago na ako.” “Focus muna kay Lord.” Pero pagdating ng ilang araw… bumabalik na yung inis, chismis, at konting yabang. Hindi naman masama magpahinga at magnilay. Pero sana, hindi lang pang-Holy Week. Kasi kung kaya natin maging mabuti ngayon… kaya rin siguro natin ituloy—kahit wala nang hashtag.